Naghain si Senador Manuel “Lito” Lapid ng Senate Bill No. 1889 na naglalayong protektahan ang kapakanan ng mga artista at iba pang nagtatrabaho sa showbiz industry.
Inihain ni Lapid ang panukala na tatawag “Eddie Garcia Law” paggunita sa beteranong aktor na namatay noong 2019.
Sa ilalim ng panukala ng senador, gingarantiyahan ng nasabing panukala na mabibigyan ng disenteng kita, proteksyon mula sa pag-abuso, harassment, pangit ng working condition at economic exploitation ang mga nagtatrabaho sa entertainment industry.
Inihain ni Lapid, co-director at bida sa bagong FPJ’s Batang Quiapo teleserye, dahil sa kakulangan ng coverage sa social protection program sa entertainment industry dulot ng kahinaan at pagkabigo ng gobyerno na kilalanin at tanggapin ang unique na katangian ng entertainment work.
“Dahil kinikilala natin ang ambag ng mga manggagawa sa pelikula, telebisyon, radyo at ng kabuuan ng entertainment industry sa ekonomiya, kultura, kamalayan at pambansang kaunlaran, ngayon, higit kailanman, na dapat ipakita ng pamahalaan ang kanyang pagpapahalaga sa kanila sa pamamagitan ng pagkakaroon ng komprehensibong pagsusuri sa kalagayan ng mga nabanggit na industriya,” sabi ni Lapid.
“…gayundin ang pagsisiguro na ang mga manggagawa dito ay may oportunidad, nakabubuhay na sahod, proteksyon laban sa pang aabuso, pananamantala at panganib sa lugar kung saan sila naghahanap buhay at siguraduhing ang kanilang mga karapatan ay iginagalang,” dagdag niya.
Nakasaad din sa panuka na ang worker o contractor ay dapat mayroong agreement o employment contract bago isagawa ang trabaho.
“Bilang tayo po ay kabilang rin sa industriyang ito, lalo na’t parte rin tayo ngayon ng higit na tinatangkilik na FPJ’s Batang Quiapo kasama ni Direk Coco Martin, malapit po talaga sa aking puso ang laban para sa mga showbiz industry workers na personal kong nasasaksihan ang kasipagan sa set. Kaya naman ito pong Eddie Garcia Act ay ating isunusulong sa Senado upang masiguro ang pagkakaroon ng proteksyon at seguridad sa lahat ng mga manggagawa sa showbiz industry,” ayon ka Lapid. (Dindo Matining)
The post ‘Eddie Garcia’ law tinulak ni Lito Lapid sa Senado first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento