Masayang ibinahagi ni Ganiel Krishnan sa social media ang larawan kung saan makikitang magkakasama ang ilang reporters ng Kapuso at Kapamilya.

Makikita sa larawan na kasama si Atom Araullo, Kara David, Raffy Tima, Mariz Umali at Jeff Canoy.

“Minsan lang naman magkita! Kinuha na namin ni Chief @jeffcanoy ang pagkakataon na makasama sa groufie ang mga Kapuso” saad sa caption ni Ganiel.

Natuwa naman ang ilang netizens matapos makita ang larawan.

“Cute nyo! More of this please!!!”

“nakaka good vibes naman”

(CS)

The post Kapuso, Kapamilya reporters nag-bonding first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT