Limang sundalo ang naiulat na namatay sa nangyaring mass shooting sa Army’s Camp Evangelista sa Cagayan de Oro.
Kabilang sa namatay ang suspek na sundalo rin. Nabaril din umano ang suspek kaya’t nawalan ito ng buhay.
Ayon kay Maj Francisco Garello Jr, spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, nangyari umano ang pamamaril sa loob ng compound ng Service Support Battalion sa Barangay Patag, CDO.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring pamamaril.
(CS)
The post Limang sundalo dedo sa mass shooting sa Cagayan de Oro first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento