Nagpatupad ang Department of Migrant Workers (DMW) ng temporary ban sa deployment ng mga first-time OFW partikular na ang mga domestic helper sa Kuwait.
Sa isang statement, sinabi ni Secretary Susan Ople na ang pagproseso ng mga application para sa mga first-time OFW ay ipinagpaliban habang hinihintay ang resulta ng upcoming bilateral talks sa Kuwait.
“‘Yung mga baguhan, never before nag-work as kasambahays abroad or ‘yung nag-work as kasambahays pero hindi sa Kuwait ay kailangan maghintay muna dahil nais tiyakin ng department na may mas maayos na monitoring at mas mabilis na response system in place bago sila tumungo doon,” pahayag ng DMW chief.
Dagdag niya, kaya hindi makapagpatupad ng total deployment ban ay dahil may mga OFW na nagtatrabaho na sa Kuwait.
Nauna nang isinuhestiyon ni Senador Raffy Tulfo ang total deployment ban ng mga Filipino worker sa Kuwait matapos ang pagpatay sa domestic helper na si Jullebee Ranara ng anak ng kanyang employer.
Ngunit ayon kay Undersecretary Maria Anthonette Velasco-Allones sa Senate hearing, na batay sa datos, ang mga OFW na mayroon nang maraming taong karanasan sa Kuwait ay hindi madaling maabuso dahil sa kanilang pagiging pamilyar sa kultura. (IS)
The post Mga first-time magtatrabaho sa Kuwait bawal muna first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento