Nadiskubre sa isang soup pot ang nawawalang ulo ng Hong Kong model na si Abby Choi. Ayon sa mga awtoridad sa Hong Kong, pinakuluan umano ang ulo ni Choi hanggang ang matira na lang ay ang bungo nito.

“When we found the two pots of soup at the scene, one of the pots measuring 50cm [20 inches] deep and 40cm [16 inches] in diameter, was almost full and covered with thick fat, some green radishes and carrots and meat believed to be human flesh,” ayon kay Police Superintendent Alan Chung.

Matatandaang nakita ang ilang parte ng katawan ng model sa isang ref.

Samantala, patuloy naman ang mga awtoridad sa paghanap sa mga nawawala pang parte ng katawan ng model.

(CS)

The post Nawawalang ulo ng HK model na si Abby Choi, natagpuan sa soup pot first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT