Ginugunita ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP) ang ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Uprising na naganap noong 1986 bilang wakas nang dalawang dekadang diktadura ng yumaong pangulo na si Ferdinand Marcos Sr.

Ayon sa NCCP, ang EDSA People Power ay isang panahon kung kailan nagkaisa ang mga Pilipino sa kalakasan at katapangan upang patalsikin si Marcos Sr. 

“That day i­­­n 1986 was a glorious moment in our history when Filipinos showed unity, courage, and vigilance to oust the dictator, Ferdinand Marcos, Sr., who flew with his family to Hawaii,” pahayag nila.

Sa kabaligtaran naman, ang bansa ay nasa ilalim na naman ng isa pang Marcos.

“Ironically, we are now again under the leadership of another Marcos. President Ferdinand Marcos Jr. came to power more than six months ago after one of the most divisive elections in the country,” saad nila.

Inspirasyon umano ng NCCP ang mga sinabi ni Propeta Isaias sa Bibliya ngayong laganap ang pagbabaluktot sa kasaysayan. 

“Justice is pushed aside; righteousness stands far off, because truth has stumbled in the public square, and honesty can’t enter. Truth is missing; anyone turning from evil is plundered. The Lord looked and was upset at the absence of justice. Seeing that there was no one, and astonished that no one would intervene, God’s arm brought victory, upheld by righteousness… (Isaiah 49: 14-16).” 

Samantala, nanawagan din sila sa mga simbahan at mamamayang Pilipino na isabuhay muli ang diwa ng 1986 EDSA People Power Uprising.

“We thus call on our member churches and the Filipino people to relive the spirit of the 1986 EDSA People Power Uprising and let us be God’s arm for truth, righteousness, peace, and justice,” huling mensahe ng NCCP sa kanilang pahayag.

Ang NCCP ang kinikilalang pinakamalaking samahan ng mga Protestante sa bansa. 

(Jan Terence)

The post NCCP, nanawagang isabuhay ang diwa ng EDSA People Power first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT