Babayaran na ng gobyerno ang mga lupain at ari-arian ng mga pribadong indibiduwal na naapektuhan ng NLEX-SLEX Connector Road Project.
Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P495,129,744 para bayaran ang right-of-way ng mga ari-ariang naapektuhan ng NSCRP project.
Ayon sa DBM, ang pondo ay ikakarga sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at inaprubahan ang pagpapalabas nito noong February 22,2023.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang pondo ay magpapabilis sa mga proyektong inilalarga ng Marcos administration.
” The budget for the right-of way payments for the NSCRP will definitely boost our Build, Better More program, ” ani Pangandaman.
Sinabi ng kalihim na ang isa sa nagiging problema sa pag–usad ng mga proyekto ng gobyerno ay ang right-of way kaya mahalagang matugunan kaagad ito.
Nagpasalamat si pangandaman sa publiko partikular ang mga natatamaan ng mga government projects dahil nakikipagtulungan ang mga ito kaya umuusad ang mga proyekto.
Ang NSCRO project na may habang walong kilometro at elevated 4-lane toll expressway ay magpapalakas ng pag-unlad sa Manila, Caloocan, Malabon, Navotas at sa mga kalapit lugar.
Layon ng proyekto na mabawasan ang matinding problema sa trapiko sa Metro Manila. (Aileen Taliping)#
The post P495M pambayad sa right of way sa mga naapektuhan ng proyekto ng gobyerno, inilabas ng DBM first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento