Itinulak sa Kamara de Representantes ang panukala na gawing batas ang programa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magtanim ng gulay at prutas sa barangay.

Sa panukalang Hapag sa Barangay Act (House Bill 6816) binigyan-diin ni Quezon City Rep. PM Vargas ang pangangailangan na mapatatag ang suplay ng pagkain sa bansa at makatutulong umano ang mga barangay dito.

Inilabas ng DILG ang Memorandum Circular 2023-01 o ang Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) sa Barangay Project at nais ni Vargas na maging batas ito upang mas matutukan ang pagpapatupad at mapondohan.

“The program mandates the barangays, as well as encourages the households to establish community gardens that can serve as food sources at the grassroots level, where it is most accessible to people,” sabi ni Vargas sa explanatory note ng kanyang panukala.

Sa ilalim ng panukala, gagamitin ang mga makabagong pamamaraan ng pagtatanim gaya ng aeroponics, aquaponics, hydroponics, at container gardening.

Ang kakailanganing pondo sa programa ay kukunin sa National Tax Allotment na natatanggap ng mga lokal na pamahalaan. (Billy Begas)

The post Pagtatanim program ng DILG, nais gawing batas first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT