Ngayong araw ginugunita ang ika-37 anibersaryo ng People Power Revolution kung saan nawakasan ang pamumuno ni dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr.

Sa pahayag ng pamilya Aquino, nilarawan ang EDSA revolution bilang pagpapakita sa buong mundo ng pagiging matapang at tunay na pagkakaisa ng mga Pilipino.

“The EDSA People Power Revolution showed the world that it was possible for a courageous and truly unified people to reclaim the freedom that a dictatorship had denied them,” ayon sa mga Aquino.

Nakikiisa rin ang pamilya Aquino na tutulan ang pagrebisa sa kasaysayan.

“Nakikiisa tayo sa lahat ng mga tumututol sa pagbalik ng diktadurya at sa pagrerebisa sa ating nagkakaisang alaala,” base sa pahayag ng pamilya Aquino.

“Nakikiisa tayo sa lahat ng kumikilos para isabuhay ang diwa ng EDSA. Walang duda: buhay ang diwa ng EDSA,” lahad pa. (RP)

The post Pamilya Aquino sa 37th People Power anniversary: ‘Buhay ang diwa ng EDSA’ first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT