Patay ang isang Pastor ng Trindade Evangelical Church sa Mozambique matapos tangkaing gayahin ang 40 araw na pag-aayuno ni Hesus na nakasulat sa Bibliya.

Ayon sa ulat ng BBC News, kinilala ang Pastor na si Francisco Barajah, at pumanaw siya matapos ang 25 araw na pagtatangka.

Lubhang bumaba umano ang kanyang timbang matapos tumangging kumain at uminom ng tubig.

Dumating na rin umano sa punto na hindi na niya kayang tumayo.

Ayon sa mga doktor, mayroon siyang sakit na acute anemia at organ failure.

Binigyan siya ng serums at liquid food para maisalba sana ang kanyang buhay ngunit naging huli na ang lahat.

“It was common for the pastor and his followers to fast, but not for that long,” pahayag ng ilang miyembro sa kanilang simbahan.

Sinabi naman ng kapatid ng Pastor na si Manuel Barajah na nag-ayuno naman talaga siya upang gayahin si Hesus ngunit pinagdiinang namatay ang kanyang kapatid sa low blood pressure, at hindi sa diagnosis ng mga doktor.

(Jan Terence)

The post Pastor patay matapos gayahin ang 40 araw na pag-aayuno ni Hesus first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT