Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ideya na magkaroon ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa Japan basta masigurong hindi makakadagdag ng tensyon sa South China Sea.
Sa panayam ng media sa Pangulo habang sakay ng PR001 pauwi sa Pilipinas, sinabi nitong malaking tulong sa Pilipinas kung magkaroon ng VFA sa Japan para matiyak ang proteksyon ng teritoryo ng bansa at sa mga mangingisdang nagtutungo sa mga pinagaagawang isla sa West Philippine Sea.
“I think it will be of help to the Philippines in terms of protecting for example our fishermen, protecting our maritime territory,” saad ng Pangulo.
Pero pag-aaralan aniya ng gobyerno ang ideya kung talagang makakatulong ito sa bansa.
“If kung talagang makakatulong, I don’t see why we should not adopt it…if it’s appropriate, if it does not constitute danger of increasing tensions, then that might be useful for the Philippines,” dagdag ng Pangulo.
Pero kailangan aniyang maging maingat dahil ayaw niyang pagmulan ito ng tensyon lalo na sa South China Sea.
Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na ang nasa isip nito ay ang proteksyon sa mga mangingisda kung magkakaroon ng VFA sa Japan kaya pag-aaralan itong mabuti ng gobyerno.
“Ang iniisip ko lang, yung ating mga fishermen kailangang maprotektahan, kailangang maliwanag na tayo sa Pilipinas ay talagang… we are patrolling our waters and making sure that it is well-recognized na yan ang talagang maritime territory ng Pilipinas,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)
The post PBBM bukas na magkaroon ng VFA sa Japan first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento