Dapat umanong gamitin ang P82.2 bilyong Road Users Tax na sinisingil sa mga nagpaparehistro ng sasakyan sa pagpapagawa ng mga sidewalk at bike lane.
Ayon kay House Deputy Speaker Ralph Recto ang matagal na panahon ng isinasantabi ang pagpapagawa ng pasilidad na ito dahil sa kakulangan ng pondo.
Maaari umanong gamitin ang Road Users Tax na nasa P82.2 bilyon ang halaga noong 2021.
Ayon kay Recto ang koleksyon ng Motor Vehicle Users Charge (MVUC) ay nasa Department of Public Works and Highways (DPWH).
“It is time to elevate wide pedestrian and bike lanes, whether ground-level or elevated, covered or not, to the league of major construction works,” sabi ni Recto.
Ayon kay Recto dapat isama na ang DPWH ang paggawa ng pedestrian at bike ways, na sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng Department of Transportation.
“But I think DPWH should get into the act, because these projects fall under its mandate more than it does to DOTR,” dagdag pa ni Recto.
Ipinaliwanag ni Recto na kung mayroong maayos na madaraanan ang mga naglalakad at mga nagbibisikleta ay mababawasan ang mga gumagamit ng sasakyan kung malapit lang ang kanilang pupuntahan.
“The policy bias is toward people who ride in cars, but not for people who walk or bike, when cost-wise catering to the latter uses fewer government resources,” dagdag pa ni Recto.
Sinabi ni Recto na kung kaya ng gobyerno na magpatayo ng mga skyway at subway mas madali itong makapagpatayo ng mga daraanan ng tao at bisikleta. (Billy Begas)
The post Recto: P82B road user tax gamitin sa pagpapatino ng sidewalk, bike lane first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento