Bukod sa pagtataguyod ng panukalang batas, tinututukan ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mahihirap na pasyente.
Inilungsad ni Co ang iba’t ibang programa para mapagaan ang pasanin ng mga mahihirap na pasyente na wala ng masasandalan.
Kasama sa programang ito ang People’s Day na ginagawa tuwing Lunes sa north gate ng Kamara de Representantes.
Tuwing People’s Day ay maaaring makakuha ng medial assistance ang publiko gaya ng konsultasyon, laboratory test, at maging operasyon sa puso.
Matapos mapatunayan ang kanyang pagiging tapat sa pagseserbisyo sa publiko, si Co ay inendorso ni Rep. Joey Salceda na pumalit sa kanya bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Albay sa 2025 elections.
Ipinakikita umano ng pag-endorso ni Salceda na si Co ay mayroong kakayanan na pamunuan ang distrito patungo sa pag-unlad.
Ipinagpasalamat naman ni Co ang pag-endorso ni Salceda. Sinabi ni Co na nakatuon ang kanyang atensyon ngayon sa pagseserbisyo sa bayan at hindi sa pulitika.
Naiintindihan umano ni Co na ang pagiging kinatawan ay hindi lamang puro paggawa ng batas at polisiya kundi kasama ang pagtugon sa pangangailangan ng publiko—ang dahilan kung bakit kanya umanong pinapanatiling bukas ang linya ng komunikasyon sa kanyang constituent at nakikipagkita sa mga ito kung may pagkakataon. (Billy Begas)
The post Rep. Zaldy Co doble kayod sa pagtulong sa mahihirap na pasyente first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento