Sa isang panayam ng Politiko kay Rex Gatchalian, ikinuwento nito kung paano siya inalok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa posisyon ng DSWD Secretary.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Rex na noong nakaraang Disyembre ay naghahanap na umano ang Palasyo ng mga maaaring maging secretary ng nabanggit na ahensiya.
Inilagay daw ang kanyang pangalan sa mga taong puwede sa posisyon at ipinadala sa Palasyo.
Hindi naman umano niya ito inakala at nagpatuloy lang siya sa pagiging congressman ng first district.
Nitong nakaraang Martes lang ng umaga ay nakatanggap siya ng tawag mula sa Palasyo na nagsasabing nais umano siya kausapin ni Marcos Jr.
Sa pagpunta niya, dito na umano siya kinausap ng Pangulo na gagawin na siyang DSWD Secretary.
“Lumabas ako ng office bilang congressman, umuwi ako na iba na ang titulo ko!” pahayag ni Rex.
Ayon sa bagong DSWD Secretary, siya ang nakakabatang kapatid ni Senador Win Gatchalian. Limang taon umano ang pagitan nilang dalawa.
(Jan Terence)
“Lumabas ako ng office bilang congressman, umuwi ako na iba na ang titulo ko!” Alamin kung paano inalok ni PBBM si Sec. Rex Gatchalian at paano nito tinanggap ang DSWD post. @Politiko_Ph @AbanteNews pic.twitter.com/LJ1DD0mvWi
— Reymund Tinaza (@ReymundTinaza) February 4, 2023
The post Rex Gatchalian, ikinuwento paano naging DSWD Secretary first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento