Plano ni Senador Robin Padilla at ng kanyang asawang si Mariel Rodriguez na i-dinner date si dating Senate President Juan Ponce Enrile sa kanyang ika-99 taong kaarawan ngayong Araw ng mga Puso.
Bilib na bilibid si Padilla kay Enrile dahil sa kabila ng edad nito, matalas pa rin ang pag-iisip na aniya’s mala-Encyclopedia – at dahil dito, naging tagahanga niya siya at si Mariel.
“Kami ng aking mahal na asawa ay magda-date po. Pupunta kami sa birthday ni Sir Attorney Secretary Idol Juan Ponce Enrile … Tagahanga kami ni Mariel talaga. Talagang bihira na po kami lumabas ng mag-asawa nang sabay pero dito nag-usap kaming dalawa itong espesyal na araw na ito ialay namin kay JPE,” ani Padilla sa panayam sa DZRH.
Binati rin ni Padilla si dating aktres at presidential sister Kris Aquino, na nagdiriwang ng kanyang ika-52 na kaarawan ngayon.
Ayon kay Padilla, patuloy niyang pinapanalangin ang kalusugan ni Kris, na nasa Amerika ngayon.
“Maam Kris Aquino, alam nyo napapakinggan nyo kami sa US, happy birthday. Lagi naming pinapanalangin ang inyong kalusugan,” aniya. (Dindo Matining)
The post Robin may birthday wish kay Kris; Enrile idi-date first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento