Naghalal ng bagong set ng mga opisyal ang Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay na-reelect na pangulo at si Vice President Sara Duterte ay nanatiling chairperson ng partido.

“We hope to further grow our membership with new recruits who share our ideals, programs and goals, and aspirations for our people and our nation,” sabi ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez ang mga bagong lider ng partido ay lalong magpapalakas sa pagsuporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa isinusulong nitong Agenda for Prosperity at socio-economic roadmap.

Ang Lakas-CMD ay mayroong 68 miyembro sa Kamara de Representantes.

Nahalal din noong Biyernes sina dating Pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo bilang chairperson emeritus, dating Speaker Jose de Venecia Jr. bilang co-chairperson emeritus, Sen. Ramon Bong Revilla Jr. bilang co-chairperson, Capiz Gov. Fredenil Castro bilang vice chairperson, at House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose Dalipe bilang executive vice president.

Ang iba pang opisyal na nahalal ay sina Agusan del Norte Rep. Jose Aquino ll bilang secretary general, North Cotabato Rep. Samantha Santos bilang deputy secretary general, at Quezon Rep. David Suarez bilang treasurer.

Binuo rin ng partido ang isang national advisory council na tutulong sa executive committee.

Miyembro ng council sina dating Representatives Juan Miguel Arroyo, Diosdado Ignacio Arroyo, Lourdes Arroyo, Prospero Pichay Jr. Wilter Wee Palma, Aleta Suarez, Hector Sanchez, Paz Radaza, Leonardo Babasa Jr., Anthony Peter Crisologo, Mari Grace Preciosa Castelo, at Sandra Eriguel.

Kasama rin sa council sina dating Executive Secretary Eduardo Ermita, mga dating kalihim na sina Gabriel Claudio at Nasser Pangandaman Sr., at Agriculture Undersecretary Zamzamin Pamintuan. (Billy Begas)

The post Romualdez, VP Sara nanatiling lider ng Lakas-CMD first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT