Umani ng katatawanan sa Facebook ang selfie ng isang netizen habang nag-iisa siyang pasahero sa loob ng jeep.

Ito’y dahil sa inilagay niyang caption na, “Selfie muna bago ipamigay sa ibang jeep.”

Marami ang naka-relate sa kanya dahil kadalasan kasi na kapag mag-isa ka na lang pasahero sa jeep ay pinalilipat ka na ng driver sa ibang jeep.

Ayon kay Justin Jerald Jobli ng Cuenca, Batangas, pauwi na siya nang maramdaman na palilipatin na siya ng driver sa ibang jeep kaya nag-selfie siya bilang “meme”.

Mayroon nang 3.5K haha reaction ang kanyang post at 1,000 shares.

“Relate at very true.. isasauli ang bayad at tatawag iba jeep at saka baba para dun ka sumakay,” react ng isang netizen.

“Korak maraming beses ko na yan naranasan.. pagpauwi ako ng naic.. pinalilipat kami ha ha ha.. mga loko minsan driver tapos. buo hinihingi na pamasahe,” sambit naman ng isa. (IS)

The post ‘Selfie muna bago ipamigay sa ibang jeep’ ng netizen kinaaliwan online first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT