Sinampahan na ng gobyeno ng kasong smuggling ang kapitan at tripulante ng barko na nahulihan ng mga puslit na asukal na nagkakahalaga ng P400 milyon.

Alinsunod ito sa mas pinalakas na anti-smuggling campaign ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan mg Department of Agriculture- Office of the Assistant Secretary for DA Inspectorate and Enforcement (DA-IE).

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang kinasuhan ng smuggling ay ang kapitan at crew ng M/V Sunward matapos masabat ang 4,000 metric tons ng smuggled white sugar mula sa Thailand noong January 13.

Ang kontrabando ay naka-consigned sa Stone International Co. Ltd. at nasabat ng mga otoridad sa karagatang sakop ng Mabinibat Buan sa Batangas.

Walang maipakitang import permit mula sa Sugar Regulatory Administration ang kapitan ng barko kaya kinasuhan ang mga ito ng agricultural smuggling sa Office of the Provincial Prosecutor sa Batangas City. (Aileen Taliping)

The post Smugglers ng asukal, sinampolan na first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT