Ipinagbawal na ng European Commission sa official devices ng mga staff nito ang paggamit ng TikTok dahil sa data protection at seguridad nito.

Matatandaang ang naturang application na pagmamay-ari ng Chinese ay naging kontrobersiyal sa Estados Unidos may kinalaman sa usapin ng seguridad ng mga impormasyon.

Inaasahan na sa darating na Marso 15 ay aalisin na ito sa mga device ng kanilang mga empleyado.

Ayon sa pahayag ng tagapagsalita ng European Union (EU) na si Sonya Gospodinova, napagdesisyunan ito para sa seguridad nila.

“The measure aims to protect the Commission against cybersecurity threats and actions which may be exploited for cyberattacks against the corporate environment of the commission,” aniya.

“As an institution, the European Commission has, from the beginning of the mandate, a very strong focus on cybersecurity, protecting our colleagues and, of course, everyone who is working here in the Commission,” dagdag pa nila.

(Jan Terence)

The post TikTok ipinagbawal na ng European Commission first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT