Itinulak ni National Unity Party president at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte at tatlo pang mambabatas ang pagpapataw ng carbon tax sa mga malakas kumonsumo ng kuryente.

Ayon kay Villafuerte, ang kikitain mula sa panukalang buwis na tatawaging ‘Piso para sa Kalikasan’ ay gagamitin lamang sa mga programa ng gobyerno kaugnay ng paglimita sa epekto ng climate change.

Sinabi ni Villafuerte na makatutulong ang panukala upang madagdagan ang pondo ng gobyerno sa gitna ng kakulangan ng pondo at para maabot ang target nitong pagbawas sa greenhouse gas emission ng bansa.

Sa ilalim ng House Bill 4939, na akda ni Villafuerte, Camarines Sur Representatives Miguel Luis Villafuerte at Tsuyoshi Anthony Horibata at Bicol Saro Rep. Nicolas Enciso VIII papatawan ng P1 buwis ang bawat kilo ng CO2 emission kada kilowatt hour (kWh).

“It is consequently necessary for us to make a significant contribution to the global effort to stabilize GHG (greenhouse gas) concentrations in the atmosphere more so because the Philippines is considered as ground zero for climate disaster,” sabi ni Villafuerte.

Sa ilalim ng panukala, exempted sa pagbabayad ng carbon tax ang mga gumagamit ng 60-kiloWatt hour pababa kada buwan at ang mga gumagamit ng kuryente mula sa renewable energy (RE) sources.

“The swift congressional approval of HB 4739 will send a strong message to the global community of our country’s steadfast commitment to international climate action policy and the 19th Congress’ affirmation of the people’s right to a balanced and healthy ecology as well as the State’s paramount duty to safeguard such right for the present and future generations,” punto pa ni Villafuerte.

Ang carbon dioxide (CO2) ay isang GHG na iniuugnay sa pag-init ng mundo. Sa Pilipinas ang pangunahing pinanggagalingan nito ay ang paggamit ng fossil fuel sa paggawa ng kuryente, paglikha ng init at ang sektor ng transportasyon.

Ayon sa HB 4939, ang dami ng carbon emission sa bansa mula sa kuryente at head production ay lumobo mula sa 25.83% noong 1972 ay naging 49.74% noong 2013.

“Because the right to a balanced and healthful ecology carries with it the correlative duty to refrain from impairing the environment, it is a paramount obligation of the State to safeguard such right lest such day will come when’ all else would be lost and the generations to come shall inherit nothing but a parched earth incapable of sustaining life,” sabi ng mga may-akda sa explanatory note ng panukala.

Target ng Pilipinas na maibaba ang GHG emission nito ng 75% sa 2030. (Billy Begas)

The post Villafuerte: Carbon tax ipataw sa malakas kumonsumo ng kuryente first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT