Pinuri ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang liderato ng Senado dahil sa kanilang mga accomplishment sa unang walong buwan mula nang simulan ang unang regular na sesyon ng 19th Congress.

“We are grateful to Senate President Migz Zubiri for showing sterling leadership that steered the Senate into greater heights,” sabi ni Villanueva.

Sa kasalukuyan, nakapaghain ang mga senador ng 1,912 panukala at 498 resolusyon para makabuo ng bagong mga batas, amiyendahan ang ilang umiiral na batas o magsagawa ng mga pagdinig ‘in aid of legislation’.

Ayon kay Villanueva, ipinasa ng kasalukuyang Kongreso na makasaysayang Subscriber Identity Module (SIM) Registration bill na nilagdaan para maging batas noong Oktubre 2022 at tiniyak din ang maagang pagpasa ng 2023 General Appropriations Act.

Patungkol naman sa mga imbestigasyon, nagsagawa ng malawakang public hearing sa kontrobersyal na pagbili ng Department of Education (DepEd) ng ‘overpriced’ at ‘outdated’ na laptop, mga ginawang paglabag ng Philippine Offshore Gaming Operators o Pogo at iba’t ibang isyung may kinalaman sa Overseas Filipino Workers (OFWs).

Nagsagawa rin mga imbestigasyon kung saan nagkaroon ng kaliwanagan sa mga isyu tungkol mataas na presyo ng sibuyas, paglobo ng importasyon ng produktong pang-agrikultura, pagsulong ng lokal na industriya ng asin at isyu sa talamak na smuggling o pagpuslit ng mga kalakal sa bansa.

Dagdag pa sa bagong nagawa ng Senado ay ang pagpapatibay sa ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), isang pangunahing free trade agreement na magpapalakas sa investment at makatulong sa pagbangon ng ekonomiya mula sa epekto ng pandemya.

“Concurrence to the RCEP is a major hurdle because we need two-thirds vote of all senators. Its ratification demonstrated the Senate’s solid voice to push for initiatives that will give the Filipinos and the economy opportunities to thrive,” lahad ni Villanueva.

Noong Pebrero 22, 20 senador ang bumoto para sa ratipikasyon ng RCEP. Noong 18th Congress, nabigo ang Senado na mapagtibay ang nasabing free trade agreement bago ang adjournment sine die dahil sa kakulangan ng oras.

Sabi pa ni Villanueva, nanatiling nakapokus ang Senado para tapusin ang ilang trabaho, kabilang ang deliberasyon at pagpasa sa ilang prayoridad na mga panukala tulad ng National Employment Action Plan (NEAP) at ang Salt Industry Development and Revitalization Act.

Si Villanueva ay parehong may akda ng NEAP, na naglalayong tugunan ang isyu ng unemployment at ng Salt Industry bill. (Dindo Matining)

The post Villanueva ibinida mahusay na liderato ni Zubiri first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT