Labis ang panghihinayang ni Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva sa sumablay na dalawang free throws ni Scottie Thompson na nagresulta sa kanilang masaklap na pagkatalo ng Gilas Pilipinas laban sa Jordan, 91-90 sa sixth window ng FIBA World Cup Qualifiers Lunes ng gabi sa Philippine Arena.

“ARAYKOPO 😭 4-5 attempts yun ahh sayang, 2 crucial missed free throws,” tweet ni Villanueva matapos ang pagkatalo ng Gilas Pilipinas sa Lebanon.

Sa kabila ng pagkatalo, hanga pa rin ang Ginebra fan na si Villanueva nang makabangon ang Gilas mula sa 25 puntos na pagkakalubog sa first half at makadikit 90-91, mula sa jumper ng naturalized Pinoy at Ginebra import Justin Brownlee, 1:30 ang natitira sa fourth quarter.

May pagkakataon sanang makalamang o di kaya’y manalo sa laban ang Gilas kontra Jordan kung hindi nagmintis ang dalawang freebies ni Thompson, ang kasalukuyang Most Valuable Player ng Philippine Basketball Association (PBA).

“Still proud of our guys! Would’ve been the greatest comeback but it is what it is. Na prove natin na worldclass ang talent ng mga Pinoy,” sabi ni Villanueva sa kaniyang text message.

Super proud din si Villanueva sa ipinamalas ni Brownlee na nanguna sa Gilas sa natipon niyang 41 points, 12 rebounds at tatlong assist.

“Wala na rin tayong mahihiling pa sa ating Kababayan na si Justin Brownlee,” dagdag pa niya sa mahusay ng laro ni Brownlee. Nanumpa ang 3-time PBA Best Import na si Brownlee noong Enero 16 bilang opisyal ng naturalized player ng Gilas Pilipinas para sa mga international tournament.

Naniniwala naman si Villanueva na mas gagaling at lalakas pa ang Gilas Pilipinas kaya’t hinikayat niyang mag-ensayo pa silang mabuti bago ang FIBA World Cup na magsisimula sa Agosto 25, 2023 kung saan isa ang Pilipinas sa magiging host ng prestihiyosong torneyo na ito.

“Ngunit may kasabihan that there’s always room for improvement kaya ensayo pa at naway maging daan itong laro na ito sa pagiging mas malakas at mas matatag na Gilas team 🇵🇭 Mabuhay ang Pilipinas!” sambit pa ni Villanueva. (Dindo Matining)

The post Villanueva nanghinayang sa missed free throw ni Iskati first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT