Ginawaran ng parangal ngayong Huwebes ang Ten Outstanding Young Men (TOYM) 2022 sa isang seremonya sa President’s hall ng Malacañang.

Pinangunahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang paggawad ng parangal sa mga napiling natatanging indibidwal kasama ang TOYM Foundation Inc.President Chaye Cabal -Revilla.

Kabilang sa mga tumanggap ng parangal ay sina:

1. Dr. Paul Gideon Lasco, physician at eksperto sa medical anthropology, sa kategorya ng Education at Academe

2. Manix Abrera, creator ng Kikomachine Komix, para sa Literature, Culture and the Arts

3. Dr. Beverly Lorraine Ho: Department of Health (DOH) Assistant Secretary and Director of Public Health Services Team (PHST), para sa kategorya ng Health and Medicine

4. Dr. Ramon Lorenzo Luis Guinto: isa sa mga pioneers sa larangan ng planetary health, sa kategoryang Health and Medicine

5. Dr. Ronnie Baticulon, pediatric neurosurgeon, sa kategorya ng Health and Medicine

6. Rico Ancog, environmental educator, para sa Education and the Academe

7. Victor Mari Baguilat Jr, founder ng social enterprise Kandama, para sa Literature, Culture and the Arts

8. Kristian Cordero, Bicolano writer at filmmaker, para sa Literature, Culture and the Arts

9. Shawntel Nicole Nieto, founder ng One Cainta Program, sa kategorya ng Humanitarian, Civil Society or Voluntary Leadership

10. Joanne Ascencion Valdez, city councilor ng Candon, Ilocos Sur, para sa Humanitarian, Civil Society or Voluntary Leadership.

Nakasama ng mga TOYM Awardee si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa photo session kasama ang mga organizer ng event.

Ang TOYM award ay taunang pagkilala na ibinibigay sa mga Pilipinong nakagawa ng natatanging kontribusyon sa kanilang komunidad at sa napiling larangan na nasa pagitan ng edad 18 hanggang 40.

Itinatatag ito noong October 1959 at inorganisa ng JCI Philippines at sinuportahan ng TOYM Foundation, Inc. at iba pang partners at stakeholders. (Aileen Taliping)

The post 10 TOYM awardees pinarangalan sa Malacañang first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT