Umabot na umano sa 19,000 na pamilya ang apektado ng oil spill, ito ay ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian.
Makakatanggap naman umano ang mga naapektuhang pamilya ng food packs.
“From 10,000 affected families umakyat na to 19,000… Lahat binibigyan ng food packs,” ayon kay Gatchalian sa panayam sa Dobol B TV.
Samantala, hindi lang Oriental Mindoro ang naapektuhan ng oil spill kundi pati na rin ang Taytay sa Palawan.
(CS)
The post 19,000 na pamilya apektado ng oil spill, DSWD mamamahagi ng food packs first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento