Kahanga-hanga ang nadiskubre ng isa sa mga miyembro ng AmeriCorps na si Blaine Parker matapos nitong makakuha ng 214 taong gulang na kabibe.

Nakuha umano ito ni Parker sa Alligator Point habang naglalakad kasama ang kaniyang pamilya.

Matapos makuha, dinala ito ni Parker sa Gulf Specimen Marine Lab (GSML) sa Florida. Dito na napagaralan ng GSML ang nasabing kabibe, tinatayang may haba ito na 6 inches at may bigat na 2.6 pounds,

Ayon pa sa GSML, ang kabibe na nakuha ni Parker ay may edad na 214 taong gulang na.

Samantala, matapos ang pakikipagtulungan ng GSML kay Florida Atlantic University professor Edward Petuch, nalaman nila na ang nakuha ni Parker ay isang southern quahog.

(CS)

The post 214 taong gulang na kabibe nadiskubre sa Florida first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT