Tinatayang nasa 26 na katao ang namatay sa salpukan ng tren sa Greece, 85 naman ang naitalang sugatan matapos ang insidente.

Nangyari ang salpukan sa lungsod ng Larissa, isang pampasaherong tren na mula sa Athens ang sumalpok sa cargo train na nasa Larissa.

Nasa 250 na pasahero naman ang matagumpay na nailigtas patungo sa Thessaloniki matapos ang salpukan.

Patuloy naman umano ang pag-evacuate sa iba pang mga pasahero.

“The evacuation of passengers is under way in very difficult conditions given the severity of the collision of the two trains,” ayon kay fire brigade spokesperson Vassilis Varthakogiannis.

(CS)

The post 26 todas sa salpukan ng tren sa Greece first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT