Naaresto na ng mga awtoridad sa isang hot pursuit operations ng PNP at Philippine Army ang tatlong suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa Bayawan City.
Ayon sa ulat, dalawa sa suspek ay dating mga sundalo.
Matatandaan na kinondena ng League of Governors of Philippines (LGP) ang pagpaslang kay Degamo, sa loob ng kanyang pribadong compound sa bayan ng Pamplona, Sabado ng umaga.
Ayon sa isang ulat, dead on arrival si Degamo sa isang pribadong ospital makalipas ang isang oras matapos itong pagbabarilin sa kaniyang tahanan sa Barangay San Isidro, Sto. Nuebe sa Pamplona, Negros Oriental.
(Jan Terence)
The post 3 suspek sa pagpatay kay Neg. Oriental Gov. Degamo, nahuli na first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento