Nakatakdang sumailalim sa imbestigasyon ang nasa 33 swimmers matapos guluhin at harasin ang grupo ng dolphins sa Hawaii, ang iba pa umano sa swimmers ay binatilyo.

Ilang opisyal mula sa Division of Conservation and Resources Enforcement na nagsasagawa ng pagpa-patrol ang nakadiskubre sa ginagawa ng grupo ng swimmers.

Mabilis umanong naalarma ang mga opisyal at pinagbawalan ang grupo sa kanilang ginagawa.

Iligal sa Amerika ang magpakain o mang-harass ng marine mammals habang ito ay nasa wild.

(CS)

The post 33 swimmersiimbestigahan matapos hinarass grupo ng dolphins first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT