Napanatili ng Abante at Politiko ang tiwala ng masa, base sa trust ratings ng Pahayag 2023 First Quarter Survey ng Publicus Asia Inc.

16 percent ng mga Pilipino ang may ‘high + very high trust’ sa Abante, habang 41 percent naman ang may ‘moderate trust’ sa pahayagan.

Para sa Politiko Online naman, mula 10 percent noong huling quarter ng 2022, tumaas sa 13 percent ang ‘high + very high trust’ sa naturang news site.

33 percent naman ang may ‘moderate trust’ sa Politiko.

Samantala, GMA-7 naman ang may pinakamataas na trust rating, 48 percent ang mataas ang tiwala sa naturang medica company para sa unang quarter ng 2023.

Rappler naman ang may pinakamataas na ‘low + no trust rating’ kung saan 40 percent ang nagsabing hindi lubos ang kanilang pagtitiwala sa nasabing online publication.

Ang survey ay isinagawa mula March 2 hanggang 6 kung saan 1,500 ang naging respondent.

The post Abante, Politiko kuha pa rin tiwala ng masa first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT