Usap-usapan ngayon sa Twitter ang ibinahaging video ng AltGMA kung saan makikitang upang magkaroon ng tila pa-snow effect ay gumamit ito ng isang bentilador.

Maririnig naman na mayroong naghihiyawan matapos paandarin na ang bentilador. Mapapansin pa na ilang bagay na lumilipad ang napunta pa sa pagkain na nasa harapan mismo ng mga artista.

Ang nasabing presscon ay para sa programa ng GMA na ‘Hearts On Ice’.

“Basta kami sa Kamuning may pa snow!” saad sa caption ni AltGMA.

‘Tinira’ naman ng ilang netizens ang pagiging cheap umano ng programa.

“Ang Cheap ng PRESSCON NG MGA SHOWS ng GMA, low-budget serye wise ba ang TV network ngayon? Anyare?”

“Sorry pero nahihiya ako para sa mga artista! Ano ba nmn Yung bilhan ng snow machine kaloka! Hahaha”

“cheapangga jusko ang mura lang ng snow machine hindi afford Nakakalocca hahahahha”

(CS)

The post Ang cheap? ‘Snow effect’ sa isang presscon, pinutakte ng netizens first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT