Sumiklab ang sunog sa Baguio City Public Market bago maghatinggabi ng Linggo.
Ayon kay Fire Supt. Marisol Odiver, hepe ng Baguio City Fire Station, sa panayam sa DZBB nagsimula ang sunog ng alas-11:08 kagabi, Marso 11.
Nasunog ang itaas na palapag ng Baguio City Public Market, ang lugar na may mga damit at gamit sa Block 3 at 4.
Ayon sa ulat, inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.
Idineklara umano ang fire out ng alas-4:38 ng madaling-araw nitong Marso 12. (IS)
The post Baguio City Public Market nilamon ng apoy first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento