Ipinasisilip ng isang kongresista ang mga batas at panuntunan sa bansa upang malaman kung sapat ang mga ito para maparusahan ang mga may-ari ng sea carrier na masasangkot sa maritime accident.

Inihain ni Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali Jr. ang House Resolution 835 matapos lumubog ang oil tanker vessel na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro noong Pebrero 28.

“To ensure protection, public safety and accountability, an investigation and scrutiny of our existing maritime laws, safety standards, and accountability measures relating such incident is indispensable,” sabi sa resolusyon.

Ayon kay Umali lubhang naapektuhan ng tumagas na langis ang kanilang lugar.

“As a consequence, the oil spilled in the waters putting at risk numerous marine protected areas and affecting the livelihood of thousands of families and fisherfolks and the health of the general citizenry of Oriental Mindoro,” sabi pa sa resolusyon.

(Billy Begas)

The post Batas vs sea carrier na sangkot maritime accident pinasisilip sa Kamara first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT