Isang bebot na naglalakbay sa Central America ang aksidenteng nalimas ang pera matapos makagat ng isang pusa.

Ang bebot umano ay nasa hostel sa Nicaragua nang mapagdesisyunan nito na makipaglaro sa nakitang pusa.

Habang pinapaamo niya umano ang pusa ay bigla na lang siya kinagat.

“It was pawing at me when it suddenly bit my left pointer finger,” ayon kay Sarah Lancestar.

Dali-dali niya umanong sinabi sa kaibigang Nicaraguan na nakagat siya ng pusa ngunit sinabihan siya ng kaniyang kaibigan na huwag mag-alala sa natamong kagat.

Bagama’t sinabihan na huwag mag-alala, hindi mapakali si Sarah sa banta ng rabies.

“I was anxious about it and no one at the hotel could tell me whether the cat had been vaccinated,”

Kaya naman mabilis nitong naisipang magpagamot at dito na bumuyangyang ang nakakalulang presyo ng pampagaling dahil ito ay lumobo sa halagang $60,000.

Samantala, bagama’t naubos ang pera, nakuha naman na ni Sarah ang huling bakuna ng rabies sa Australia.

(CS)

The post Bebot nakagat ng pusa, ginastos pampagaling lumobo sa $60,000 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT