Kinumpirma na ng CAAP Puerto Princesa City na may nawawalang isang Alouette helicopter sa Mangsee, Balabac, Palawan ngayong araw, March 1.
Ayon sa ulat, ito umano ay isang medical evacuation flight na may sakay na limang pasahero, kabilang ang isang pasyente.
Ang helicopter na nawawala at bumiyahe umano mula sa Mangsee Island patungong Provincial Hospital Brooke’s Point nang mawala kaninang alas-9 ng umaga.
“The aircraft was on its way to Southern Palawan Provincial Hospital in Brooke’s Point, Palawan when it was reported missing around 9 a.m. today,” pahayag ng CAAP.
“The medical evacuation flight — with registry no. N45VX and operated by Philippine Adventist Medical Aviation Services — was expected to arrive at 10:30 a.m. at the said hospital,” dagdag pa sa isang ulat.
Mayroon umano itong sakay na isang piloto, isang nars, isang pasyente at dalawang kasama sa helicopter, ayon sa CAAP.
Samantala, nag-deploy na ng search and rescue team para hanapin ang naturang helicopter.
(Jan Terence)
The post CAAP kinumpirmang nawawala isang helicopter sa Palawan first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento