Lalagpas umano sa P1.1 bilyon ang compensation claim na babayaran kaugnay ng pinsalang naidulot sa paglubog ng MT Princess Empress.

Ito ay kung ibabatay umano ang paglubog ng MT Princess Empress sa nangyaring paglubong ng MT Solar sa Guimaras Strait noong 2006, ayon kay Quezon City Rep. Marvin Rillo, vice chairperson ng House Committee on Tourism.

“If we look back at the MT Solar incident, a total of P1.1 billion was paid to settle 26,872 compensation claims, including those filed by owners of beach resorts, tour boat operators, and other tourism service providers hit by the 2006 oil spill,” sabi ni Rillo.

Punto ni Rillo, kung ikokonsidera ang presyo ng bilihin 17 taon na ang nakakaraan inaasahan na lalagpas ng P1.1 bilyon ang babayaran ng MT Princess Empress.

“Apart from tourism-related claimants, we expect property owners hit by the oil spill to file compensation claims for damages to beachfront properties, fishing boats, and fishing gear,” dagdag pa ni Rillo. “Those who suffered economic losses, including fisherfolk, seaweed farmers, and fishpond operators, are likewise expected to file claims.”

Dagdag pa ng solon inaasahan na maniningil din ang mga lokal na pamahalaan dahil gumastos ang mga ito ng dagdag na bayad sa kanilang mga staff bukod pa sa mga clean-up contractor at gastos ng Philippine Coast Guard (PCG).

Nauna rito ay inanunsyo ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor at kinatawan ng insurance company ang pagtatayo ng “Claims Caravan” sa Calapan City kung saan maaaring maningil ang mga naaapektuhan sa paglubog ng MT Princess Empress.

Ayon sa Oriental Mindoro provincial government nasa 20,932 mangingisda, 61 tourism establishment, at 750 community-based organization ang inaasahang maghahain ng claim.

Lumubog ang MT Princess Empress sa Naujan, Mindoro Oriental noong Pebrero 28. Dala nito ang 900,000 litro ng industrial fuel na dadalhin sa Iloilo mula sa Bataan. (Billy Begas)

The post Compensation claim sa pinsala ng MT Princess Empress lagpas P1.1B first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT