Ipinatupad ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban sa pork products na mula sa Singapore, ito ay dahil sa nangyaring African swine fever (ASF) outbreak sa nasabing bansa.
Isang memo ang inisyu ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban na nagsasabing ipinagbabawal ang pagpasok ng domestic at wild pigs kabilang na ang pork skin at pork meat.
Kamakailan lang ay higit sa 50 samples mula sa Carcar City, Cebu ang nagpositibo sa ASF.
Ang nasabing temporary ban sa Singapore ay magtatagal hangga’t hindi inaanunsyo ng DA na maaari na muling magpasok ng mga nasabing produkto sa bansa.
(CS)
The post DA ipinatupad temporary ban sa pork products mula Singapore first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento