Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang 13-anyos na babae matapos umanong malunod sa breakwater ng Manila Bay.

Ayon sa ulat sa DZBB, nagkayayaang lumangoy sa dagat ang biktima at ang 11-anyos nitong kapatid na lalaki.

Nagpasaklolo ang kapatid ng biktima sa kanilang tiyuhin nang makitang nalulunod ang kanyang ate.

Nasagip ang biktima at nadala sa Tondo Medical Center ngunit hindi na siya umabot nang buhay.

The post Dalagita nalunod sa Manila Bay first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT