Inaasahang mapapadali na ang biyahe mula Cavite hanggang Bataan sa sandaling matapos ang dalawang tulay na sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na inaasahan nilang mailalarga ang groundbreaking ng proyekto sa loob ng taong ito.

“One of the very significant projects that will be implemented in Metro manila and this is the bridge that will connect Cavite and Bataan, this is about 32 kilometers of the bridge across Manila bay and this will include dalawang big bridges 400 meters yung one of the bridges that will be 400 meters and the other one is 900 meters,” ani Bonoan.

Ayon sa kalihim, ang proyekto ay popondohan ng Asian Development Bank (ADB) ng P175 billion at matatapos sa loob ng limang taon, bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Bonoan na ang biyahe sa dalawang tulay ay wala pang kalahating oras na magpapabilis sa travel time mula Cavite hanggang Bataan.

“Completion? five years siguro, before the term of the President ends,” dagdag ni Bonoan.

Sinabi ng kalihim na sa sandaling matapos ang proyekto ay aasahang sisipa ang pag-unlad hindi lamang sa Luzon kundi sa buong bansa.

“Ang growth corridors kasi is in the Southern and North of Manila. It will improve the economic development not only in Luzon but in the whole country,” wika ni Bonoan. (Aileen Taliping)#

The post Dalawang tulay na magdudugtong sa Cavite at Bataan ilalarga ng DPWH first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT