Dapat buwagin ang mga fraternity na nakapatay ng kanilang recruit o miyembro.
Ito ang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile kasunod ng pagkamatay ng Adamson Enginering student na si John Matthew Salilig na ibinaon sa mababaw na libingan sa Imus,Cavite noong February 18, 2023.
Sinabi ni Enrile na hindi sinunod ng Tau Gamma Phi ang layunin ng kanilang organisasyon na pagkakaibigan at brotherhood at mas ginustong saktan at patayin ang biktima.
“They should abolish the fraternities once there is an event like this, may ma-disabled member. A fraternity supposed to be an organization of friends, brotherhood. But why do you have to inflict pain on your brother to the extent of killing him. What for?” ani Enrile.
Nagtataka ang abogado ng Malacañang kung bakit hindi mapagbawalan ang mga fraternity na magpatupad ng hazing gayong mayroong batas, ang anti-hazing law na nagbabawal gumawa ng pananakit at pagpatay sa kanilang recruits.
“Ewan ko hindi mapagbawalan yang mga fraternity sa hazing. Very brutal, physical sa kanilang recruits. Talagang pinaparusahan bago pumasok sa fraternity,” dagdag no Enrile.
Naging miyembro rin aniya siya ng fraternity noong nag-aaral sa University of the Philippines subalit hindi siya nakaranas ng hazing dahil ang initiation lamang sa kanya ay mamalimos sa gilid ng isang sinehan sa Sta. Cruz,Manila
“Pumasok ako sa sigma Rho pero hindi ako aktibo. Ang initiation sa akin dinala ako sa Ideal theater sa Rizal Avenue, nagpalimos. Marami naman naglimos.Nakaluhod ako tinitingnan ng mga tao, may nagbigay naman,” wika ni Enrile. (Aileen Taliping)
The post Enrile: Mga frat na sangkot sa hazing buwagin! first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento