Pinag-aaralan pa ng gobyerno kung palalawigin o hindi ang SIM card registration na nakatakdang magtapos sa April 26, 2023.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary at Spokesperson Anna Mae Lamentillo na wala pa silang desisyon kung magkakaroon ng extension sa Sim card registration.
“Ngayon po pinag-aaralan natin yung possibility of extension but we haven’t decided yet, we will make an announcement as soon as a decision has been made,” saad ni Lamentillo.
Patuloy aniyang nakamonitor ang DICT sa araw-araw na registration na magiging basehan kung itutuloy o hindi ang extension.
Binigyang-diin ni Lamentillo na kung sakaling palalawigin ang registration, maaari itong gawin sa loob ng 120 araw upang masigurong lahat ng nagmamay-ari ng sim card ay makapagparehistro.
Sa kasalukuyan, ayon sa DICT Spokesperson, may naitala ng kabuuang 45.8 million na nakapagparehistro at umaasa ang DICT na makapagparehistro lahat hanggang sa April 26.
“Sa kabuuan mayroon na tayong 45.8 million registered sims. Yung Smart ay 23,436,060 subscribers, yung Ditto is about 3.4 million, ay yung Globe is about 18.9 million,” dagdag ni Lamentillo.
Batay sa record ng DICT, mayroong 169 million sim subscribers na dapat magparehistro dahil kung hindi tutugon ay hindi na magagamit ang kanilang sim card pagkatapos ng April 26. (Aileen Taliping)
The post Extension ng SIM card registration pagpapasyahan pagkatapos ng April 26 deadline – DICT first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento