Ayon sa World Happiness Report 2023, ang pinakamasayang bansa sa buong mundo ay ang Finland.

Nakabase ang ulat na ito sa pandaigdigang survey data sa higit kumulang 150 bansa.

Sa resulta ng survey, sumunod sa Finland ay ang mga bansang Denmark, Iceland, Sweden, Norway, Israel, The Netherlands, Switzerland, Luxembourg, at New Zealand.

“The Nordic countries merit special attention in light of their generally high levels of both personal and institutional trust,” pahayag sa ulat.

“They also had COVID-19 death rates only one-third as high as elsewhere in Western Europe during 2020 and 2021—27 per 100,000 in the Nordic countries compared to 80 in the rest of Western Europe,” dagdag pa nito.

Samantala, ipinakita rin sa survey na bumaba ang Pilipinas sa ika-76 mula sa 60 noong nakaraang taon.

(Jan Terence)

https://ift.tt/y6WZuIJ

The post Finland ‘happiest country’ sa buong mundo; ‘Pinas bumaba sa ika-76 – World Happiness Report 2023 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT