Harapang kinakausap ni 1st District Bataan Rep. Geraldine Roman ang mga miyembro ng sektor na sentro ng kaniyang panukala.
Ayon kay Roman, isa umano itong paraan upang malaman niya ang mga kailangang impormasyon at maidagdag ito sa magiging laman ng panukala habang ito ay nasa deliberasyon.
Nagtungo ito sa Laguna, kung saan ipinaliwanag niya ang mahahalagang panukala.
Ipinaliwanag ni Roman ang panukalang Barangay Frontline Health Services Act of 2022, layon nito na magkaroon ng matibay na benepisyo ang mga barangay health worker sa bansa at madagdagan ang workforce ng mga ito.
“Sa kasalukuyan, hindi saklaw ng mga benepisyo ang mga Barangay Health Workers tulad ng PhilHealth bilang direct contributors at insurance coverage ng Government Service insurance System o GSIS. Hindi rin sila saklaw ng Standardization Law kung kaya’t isang kuwestiyon ito sa kanilang security of tenure,” ayon kay Roman.
Ang pagpasa umano ng panukala ay hindi lang para sa pagkilala kundi pati na rin makahikayat ng tao na maglilingkod sa kanilang lokalidad.
“Ang pagpasa ng iminungkahing panukalang ito ay hindi lamang magbibigay ng nararapat na pagkilala sa mahahalagang serbisyo ng mga barangay health workers at kalaunang mga tauhan ng BHFS, ngunit kalaunan ay sana’y makahikayat din ng mas maraming tao na maglingkod bilang mga tauhan ng BHFS sa kanilang mga lokalidad,”
(CS)
The post Geraldine Roman personal na pinapaliwanag mga panukala first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento