Muling iginiit ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na dapat umuwi na sa bansa si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

Ayon kay Romualdez, isang pagpupulong ang hiniling ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio noong Miyerkoles ng gabi.

Sa naturang pagpupulong ay ipinarating umano sa kaniya ni Topacio ang mensahe at aalalahanin ni Teves.

“In that meeting, I reiterated my stand that Cong. Arnie should return to the country and report for work at once,” sabi ni Romualdez.

Ipinarating din umano ni Romualdez kay Topacio ang desisyon ng House Committee on Ethics na imbestigahan si Teves kaugnay ng hindi nito pag-uwi sa bansa sa kabila ng kaniyang utos at expiration ng kaniyang travel authority noong Marso 9.

“The Committee on Ethics has already acquired jurisdiction on Cong. Arnie’s case. I will act accordingly after the Committee wraps up its investigation and submits its recommendation to the House leadership,” dagdag pa ni Romualdez.

Sinabi rin umano ni Romualdez kay Topacio na gagawin ng Office of the Speaker at liderato ng Kamara de Representantes ang lahat upang matiyak ang kaligtasan ni Teves.

“I strongly urge Cong. Arnie to reconsider his decision not to return. It does not sit well for a House Member to flee the country rather than avail himself of all the legal remedies available to him,” dagdag pa ni Romualdez.

Pumunta si Teves sa Estados Unidos noong katapusan ng Pebrero para sa kaniyang stem cell treatment. Hanggang Marso 9 lamang ang travel authority na ibinigay sa kaniya.

Ayon kay Teves, mayroong banta sa kaniyang buhay at sa buhay ng kaniyang pamilya matapos na idawit sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo. (Billy Begas)

KW: Teves

SEO Title: Speaker Romualdez: Teves dapat umuwi na

META: Sinabi rin umano ni Romualdez kay Topacio na gagawin ng Office of the Speaker at liderato ng Kamara de Representantes ang lahat upang matiyak ang kaligtasan ni Teves.

The post Giit ni Speaker Romualdez: Teves dapat umuwi na first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT