Sinibak sa puwesto ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) na si Police Col. Hansel Marantan, at iba pang tauhan matapos ang ginawang pagsalakay sa isang madyungan sa Ongpin, Maynila at kunin ang halos P3 milyon pera, mamahaling relo, bag. at kotongan ang 13 nahuling chineses national sa halagang P10 milyon kapalit ng kanilang kalayaan.
Ang pagkakasibak kay Col. Marantan ay kinumpirma kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief General Rodolfo Azurin Jr., upang magbigay daan sa gagawing imbestigasyon hinggil sa kanyang mga tauhan.
Base sa inisyal na ulat, kamakalawa ay ni raid ng mga tauhan ng CIDG-NCR ang isang madyungan sa Ongpin, Maynila at doon ay nahuli nila ang nasa 13 matatandang Chinese national na mga naglalaro.
Kinuha umano ng mga pulis ang nasa P3 milyon halaga ng pera ng mga biktima, gayundin ang suot nilang mga mamahaling alahas at mamahaling bag.
Hindi pa umano doon natapos ang ginawa ng mga tauhan ng CIDG-NCR at binangketa pa nila ang kanilang 13 huling mga Chinese national sa halagang P10 milyon kapalit ng kanilang kalayaan.
Napag-alaman na nagsumbong ang mga biktima kasama ang kanilang mga abogado kay PNP Deputiy chief for administration Police Lt. General Rhodel Sermonia dahilan upang ipatawag nito si CIDG Director Brig. General Romeo Caramat upang ipaalam ang pangyayari.
Narekober naman umano ang ilang mamahaling relo at pera sa raiding team subalit hindi pa malinaw kung sasampahan ng kaso ang mga ito dahil sa kanilang ginawa.(Edwin Balasa)
The post Hepe ng NCR- CIDG sibak sa hulidap, kotong sa madyongan first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento