Pinagtibay ng House Special Committee on Nuclear Energy ang isang resolusyon na nananawagan sa Department of Energy (DOE) na magtayo ng Nuclear Energy Division sa loob ng organisasyon nito.
Ayon kay APEC party-list Rep. Sergio Dagooc, isa sa may akda ng House Resolution 387, sa kasalukuyan ay walang opisina sa DOE na tumutugon sa mga isyu kaugnay ng nuclear energy.
“It is imperative for the DOE to work alongside the PNRI (Philippine Nuclear Research Institute) and other concerned government agencies to establish and implement a strategic plan and policies for the utilization of nuclear energy as a source of generating electricity in the country,” sabi sa resolusyon.
Layunin ng pagtatayo ng Nuclear Energy Division ang makabuo ng framework para sa paggamit ng nuclear energy sa bansa.
Ipinagpatuloy din ng komite na pinamumunuan ni Pangasinan Rep. Mark Cojuangco ang panukalang pagtatayo ng Philippine Atomic Regulatory Commission. (Billy Begas)
The post Hirit ng House panel magtayo ng Nuclear Energy Division sa DOE first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento