Isang panukala na naglalayong bigyan ng proteksyon ng gobyerno ang mga human rights defenders (HRD) ang inaprubahan ng House Committee on Human Rights.
Layunin ng panukala na tiyakin na napoproteksyunan ang karapatan ng mga HRD gaya ng: karapatan na itaguyod at protektahan ang mga karapatang pantao at kalayaan ng mga ito, karapatang bumuo ng mga grupo at organisasyon, karapatan sa mapayapang pagpupulong, karapatang maghanap, tumanggap at magpakalat ng impormasyon, karapatan sa pribadong oras at iba pa.
Isang kaparehong panukala ang inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa noong 17th at 18th Congress.
Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, pangunahing may-akda ng panukala, ang kaniyang bill ay halaw sa ‘Model Law for the Recognition and Protection of Human Rights Defenders.’
“The tragic plight of Filipino HRDs as a result of the relentless persecution against them by the government shamefully aggravates the State’s culpable non-compliance with the constitutional mandate that the ‘State values the dignity of every human person and guarantees full respect for human rights,” sabi ni Lagman. (Billy Begas)
The post Human rights defenders bill umusad sa Kamara first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento