Pumalag si dating Comelec commissioner at P3PWD party-list nominee Rowena Guanzon sa reklamo ng mga estudyante na ipinarating sa kanya dahil pinuwersa umano ang mga ito na mag-enroll sa Reserved Officers Training Corps (ROTC) program.

Sa kanyang mga post sa Twitter, sinabi ni Guanzon na mayroong estudyante sa kanya na nagparating ng naturang impormasyon.

“To some Colleges : do not force the students to enroll in ROTC. That’s against the law. NSTP law states they can choose.  Calling the attn of @DepEd_PH @kris_ablan,” sabi ni Guanzon.

Sa isa pang post tinanong ni Guanzon kung totoo ang mga paratang sa Philippine Christian University at Negros Oriental State University.

“Philipline Christian U is this true ?  Your CAS students reached to me,” sabi nito.

Dagdag pa ni Guanzon sa isang post, “Negros Oriental State U , a student told me that he was forced to enroll in ROTC. This is against the law. NSTP law allows them to have a choice. #NoToMandatoryROTC”

Dugtong nito sa kanyang post, “I will call the Dean. If there are more students who are complaining please inform me.” (Billy Begas)

The post Ilang college pinipilit estudyante na mag-ROTC, Guanzon umalma first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT