Huwag isisi sa Pilipinas ang kasalanan ng Japanese army sa isyu ng comfort women.

Ito ang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile sa inilabas ng United Nations Committee on the Elimination of Discrimination Against Women (CEDAW) na ang Pilipinas ay lumabag umano sa karapatan ng mga comfort women dahil nabigong bigyan ng gobyerno ng kompensasyon, reparation at social support sa mga dinanas ng mga ito.

Sa kaniyang programa sa telebisyon, sinabi ni Enrile na dapat ang gobyerno ng Japan ang singilin sa hinahabol ng comfort women at hindi ang Pilipinas.

“Tanungin mo sa kanila, sino ba yung gumalaw sa kanila?, anong mga pangalan nila?,” ang gigil na pahayag ni Enrile.

Sinabi ng kalihim na dati itong guerilla at ilan sa mga comfort women ay espiya ng Japan para ituro ang mga kalaban.

Hindi aniya tapat ang ilang comfort women sa bansa dahil sila ang nagkakanulo sa kapwa nila kalahi sa mga mananakop na Hapon.

“Sino sinisi nila, yung gobyerno ng Pilipinas? Mawalang galang, buhay ako noon, most of those women are collaborators. They were spying for the Japanese. I am a guerilla,I know it, they were inside the camp serving them,” dagdag ni Enrile.

Ang dami aniyang traydor noong panahon ng Hapon at ipinahamak ang mga kapwa Pilipino sa mga kalaban kaya tigilan na ang panloloko sa mga tao.  

“Some of them were working with the Japanese army, they were disloyal to the country, some of them.Sila ang nagtuturo sa aming mga guerilla kung nasaan kami, kung sino kami, kung minsan nakatalukbong sila ng sako. Ngayon lumilitaw na sila ang biktima, God them! Tama na yang panloloko na yan,” wika ni Enrile. (Aileen Taliping)

The post JPE nabuwisit, binuweltahan ang UN, comfort women first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT