Binabagyo ngayon ng pambabatikos mula sa mga K-pop fan ang “Kapuso Mo, Jessica Soho” (KMJS).

Magiging target na raw kasi sila ng nakawan matapos itampok ng programa ang tungkol sa isang babae na nahumaling sa K-pop merchandise, na ang pinakamahal na binili ay photocard na nagkakahalaga ng P50,000.

Trending ang “KMJS” ngayong Martes, Marso 7 dahil dito.

Ilang netizen ang naalarma matapos kumalat ang ilang pangyayari kung saan hinahablot umano ang ilang photocard.

Ayon sa isang netizen, nahablot umano sa MRT Cubao ang kanyang “Sunghoon Engene Zone”.

Kaya maling-mali raw na ni-reveal sa “KMJS” ang halaga ng mga photocard.

“I think mali na rineveal sa kmjs yung halaga ng mga pcs, kasi look what happened yung lalaki pala na nanghablot is nasa 30s to 40s na, siguro isa to sa nakanood ng kmjs. syempre iisipin na niya mahal yung pc na hinablot niya kay ate this is very alarming,” saad nito sa caption.

Gayundin ang damdamin ng ilang K-pop fan.

@kuromihaul: “Anyway im 100% sure the whole bea photocard kmjs segment was scripted or planned bc theres no way u can miss 2 fucking million missing from ur business and its pissing me off bc now ppl not only see collectors in a bad light but we r being targeted by snatchers too damn.”

@aenndoks: “This kmjs episode is getting out of hand, may mga nanakawan in public thinking that every PC have the same value. To Ms. Kristhel Joy Dalanon, researcher, I hope you and your team would make a follow up episode for this to clear everything. kasi grabe na, we are not safe anymore.”

@KEI4HWAN: “This whole episode of kmjs put filo kpop stans in danger not in the eyes of our family but also for those snatchers and riders that may get interested in every kpop merch that will be shipped by them, kmjs didn’t elaborate and expand their research about this one.”

@jslinaaa: “Did you guys saw the tweets na bea (kmjs) is not really poor, they are actually rich RICH, it is kinda sus din tapos 450 yung baon a day??! Are you gagoing me kmjs because of that news nag spread na rin sa locals na photocards have value, kaya may nanakawan pa gosh.”

(IS)

The post K-pop fans target na raw ng mga snatcher dahil sa ‘KMJS’ first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT