Maglulunsad ang gobyerno ng kampanya sa pamamagitan ng digital media literacy upang malabanan ang fake news laban sa kababaihan.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sa pamamagitan nito ay mabigyan ng kaalaman ang mga grupo ng kababaihan na matukoy ang katotohanan laban sa mga lumalabas na mga pekeng balita.
Ayon kay PCO Undersecretary Cherbett Karen Maralit, inatasan ng Kongreso ang PCO na tugunan ang lumalaking problema sa misinformation at disinformation laban sa kababaihan.
“Crucially, in this age of plenteous and insistent information,the rights of women and girls continue to be undermined by disinformation and misinformation,” ani Maralit.
Plano ng PCO na makikipag-ugnayan sa mga komunidad at mga barangay at bigyan ng kaalaman ang mamamayan kung paano matukoy sa pamamagitan ng social media at iba pang platforms ang katotohanan at pekeng mga impormasyon.
“We will work to improve the citizenry’s ability to think critically and analyze information. The first step towards this end is identifying reliable and credible sources of information,” dagdag ni Maralit.
Isinusulong din aniya ngayon sa Kongreso ang panukalang batas patungkol sa media literacy na layuning isama sa Department of Education bilang asignatura sa kurikulum sa elementarya at high school and Media and Information Literacy.
(Aileen Taliping)
The post Kampanya kontra fake news sa kababaihan ilulunsad first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento